Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1.3B pekeng yosi wawasakin

0 216

Ipinagutos ng Bureau of Customs (BoC) ang pagsira ng P1.3 bilyon halaga ng mga pekeng sigarilyo at tax stamp na nakumpiska ng mga operatiba ng Enforcementv and Security Service ng BoC sa isang warehouse sa Barangay Victoria, Alicia, Isabela noong Mayo 29, 2020.

Ang pagsira ay sinimulan kahapon sa planta ng Digama Waste Management sa Porac, Pampanga sa pamamagitan ng isang malaking shredding machine.

Ang nasabing planta ay isang non-hazardous waste disposal facility na kinilala ng Department of Environment and Natural Resources dahil sa modernong kagamitan nito at eksperto sa pagsira ng mga contraband items na nakumpiska ng BoC mula sa ilegal na operasyon ng ilang negosyante sa bansa.

Ayon kay Robert Gaza, operation manager ng nasabing planta aabutin ng isang linggo bago matapos ang pagsira ng mga nakumpiskang kontrabando dahil sa dami nito.

Kabilang sa mga sisirain ay 3,726 kahon ng assorted filter paper at ilang libong kahon ng mga pekeng sigarilyo na may tatak Marlboro, Mighty, Fortune, Marvel Red, Canon Menthol, Two Moon, Fort, Astro at Winston. Bukod pa rito ang P6,000,000 halaga ng Foreign Tax Stamp at P5,500,000 Philippine Tax Stamp. (Rudy Abular)

Leave A Reply

Your email address will not be published.