Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1.3M shabu nalambat sa 2 tulak

0 322

Arestado ang dalawang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), kung saan aabot sa P1.3 milyon shabu ang nasasamsam sa Caloocan City, Huwebes ng umaga.

Sa report ni P/Capt. Deo D. Cabildo, head ng SDEU ng Caloocan Police, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Kevin Bryant Sulan, 23, nakatira sa No. 11 Riverside , Phase 12, Barangay 188, Tala at Michael Villa, 28, ng Lot 12, Block 56, Phase 12, Barangay 188, Tala ng nabanggit na lungsod.

Kwento ni Capt. Cabildo, bandang alas-12:45 ng umaga, nang magkasa ng buy-bust operation malapit sa bahay ni Sulan.

Ang kapwa Police Corporal na sina Mark Roland Esliza John Ibanez ang nagkunwaring buyer ng at umiskor sa dalawang tulak ng limang pakete na may hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P50,000.

Matapos ang abutan, doon na dinamba ng grupo ni Capt. Cabaldo sina Sulan at Villa, at nang kapkapan ay nakuha pa ang 200 gramo ng shabu na may market value na P1.3 milyon.

Kinasuhan ng paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 sa ilalim ng Article 11 ng R.A. 9165 ang mga nadakip. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.