Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1.3M shabu nasamsam sa Makati

0 35

Umaabot sa P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang buy-bust operation sa Makati City noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Southern Police District director Brig. Gen. Jimili Macaraeg ang suspek na si Ronilo Buhay Andaya alyas `Ronnie’, 53-anyos at residente ng Barangay East Rembo, Makati.

Nasamsam umano sa suspek ang 200 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P1,360,000.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Macaraeg, nadakip ang suspek bandang alas-6:07 ng gabi noong Biyernes sa 6th Avenue, Barangay East Rembo ng mga tauhan ng Makati Police-Station Drug Enforcement Unit.

Isa umanong tauhan nila ang nakipagtransaksyon sa suspek para bumili ng shabu na nagkakahalaga ng P44,000.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Sections 5, 11 at 12 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.