Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1.4B pinamudmod ng EU sa Marawi, Bangsamoro

0 265

Namudmod ng P1.4 bilyong limos ang European Union sa administrasyong Duterte.

Ito ay para sa ginagawang pagsulong sa kapayapaan sa Bangsamoro autonomous region at makatulong sa recovery at rehabilitation ng Marawi City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang tulong na tinatawag nito ay nagkakahalagang 24.5 milyong Euro at 5 milyong euro na dapat ilaan lamang sa recovery at rehabilitation ng mga natupok sa Marawi. Ang 3 milyong Euro naman ay para sa pag-awat ng pagkalat ng COVID-19 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Magugunitang sinugod ng mga teroristang Maute at Abu Sayyaf ang Marawi City noong May 23, 2017 at natupok ito sa loob ng limang buwan bago mabawi ng administrasyong Duterte.

Ayon sa Department of Finance, ito na ang pangatlong limos na galing sa EU ngayong taon. Dahil sa bagong Financing Agreement for the Mindanao Peace and Development Programme-Peace and Development in the BARMM, aabot na sa 85 milyong euro ang tulong ng EU sa administrasyong Duterte. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.