Abante Tonite Interactive

P1.4M marijuana nasabat sa buy-bust

By
26

Limang katao kabilang ang isang binatilyo ang nasilo ng Sta.Maria PNP at Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA-3) sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Guyong sa Sta. Maria, Bulacan, kahapon.

Ayon kay P/Supt. Raniel Valones ng Sta. Maria police, nakumpiska sa limang suspek ang 14 kilos ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.4 million.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Eurice Tiqui y Bautista alias RR, 20;John Peter Pinedad y Garcia, 20; Jeffrey Ponce, 18; John Laurence y Garcia, 18 at isa pang suspek na menor-de-edad.

Narekober din sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga ito sa kasong pag-iingat ng iligal na droga.