Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1.4M shabu nasabat

0 193

AABOT sa P1.4 na milyong halaga ang nasabat mula sa tatlong suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Zamboanga City.

Natimbog ang mga suspek sa Barangay Manicahan Sabado ng umaga.

Napag-alaman na mga residente ng Basilan ang mga suspek.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa imbestigasyon, sinabi ng hepe ng Labuan Police Station na si Maj. Sonny Boy Perez na tatlong malalaking pakete ng hinihinilang shabu ang nakuha sa grupo.

Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek, na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.