Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1.4M smuggled yosi sinilid sa sako ng mais

0 221

NASABAT ng mga miyembro ng Marine Marine Battalion Landing Team-5, 1st Marine Brigade, Naval Task Group Central kamakailan ang isang Elf truck na puno ng smuggled na sigarilyo na tinatayang nasa P1.4M sa Barangay Sapad, Matanog, Maguindanao.

Habang nagpapatupad ng tinatawag na after-Christmas joint Marines-PNP mobile patrol sa lugar, na-flag down ng mga tropa ang trakt at nang siyasatin ay may kargang Fort brand cigarettes na nakatago sa corn sacks. Walang mga dokumento ang mga sigarilyo.

Ang mga armed escorts ng trak ay nakilalang mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na sina Karim Omar, lider ng MNLF IMBTA Unit, at Abdullah O Saidan, team leader ng MNLF IHBTA.

Ang smuggled goods at identified na mga personalidad ay itinurn over sa Matanog Municipal Police Station. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.