Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1.5 trilyon stimulus package ng Marcos admin kinamada

0 99

Itinulak ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte at tatlo pang Bikolanong kongresista ang pagkakaroon ng P1.5 trilyong stimulus package na gugugulin sa unang tatlong taon sa puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Layunin ng panukalang National Economic Stimulus and Recovery Act of 2022 (House Bill 271) na lumikha ng milyon-milyong trabaho at buhayin ang ekonomiya ng bansa.

SM food to go Banner Ad

Kasama ni Villafuerte na nagsusulong ng panukala sina Camarines Sur Representatives Tsuyoshi Anthony Horibata, at Miguel Luis Villafuerte, at Bicol Saro Party-list Rep. Nicolas Enciso VIII.

Ayon kay Villafuerte ang panukala ay nakalinya sa sinabi ni Marcos noong kanyang inagurasyon na bubuo ng isang ‘comprehensive all-inclusive plan for economic transformation’ at sa pahayag nito na itutuloy ang infrastructure program ng Duterte administration. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.