Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1.5M kush pinuslit sa NAIA

0 223

Nasakote ang abot sa P1.5-M halaga ng kush marijuana sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Domestic Road, Pasay City.

Ayon sa mga operatiba ng NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa pamumuno ni Gerald A. Javier, ang pakete ng iligal na droga ay nadiskubre sa pamamagitan ng isinagawang random parcel profiling at K9 sweeping operation.

Ang nasabing parcel ay dineklarang ‘streetwear via Ebay’ kung saan ang nagpadala ay binansagang Vision Tunnel na nanggaling sa California, USA at ipapadala sana sa isang indibiduwal sa Pangasinan.

Ang nasabing pagpapadalhan sana ng nasabing kush marijuana ay kinilalang isang Patrick Rabat na nagmula sa Bolzano, Pangasinan.

Nang buksan ng mga awtoridad ang parcel ay dito na tumambad ang abot sa 940 gramo ng iligal na droga, na kalauna’y kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na high-grade kush marijuana.

Ang mga nakumpiskang kush ay nalipat na sa pangangalaga ng PDEA at iniimbestigahan sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kaugnay ng Customs Modernization and Tariff Act. (Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.