Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1.5M natangay sa 73-anyos na naka-Louis Vuitton bag

0 279

Nasa may P1.5 milyong halaga ng mga alahas at pera ang natangay sa isang jewelry shop matapos holdapin ng nag-iisang holdaper ang 73-anyos na may-ari kahapon sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa reklamo ng biktimang si Teodulo Cay, taga-Sta. Cruz, Maynila sa Manila Police District (MPD) inilarawan nito ang suspek na nasa 30-35 anyos, payat, may taas na 5’4″, nakaitim na t-shirt, puting shorts at itim na sumbrero.

SM food to go Banner Ad

Naganap umano ang insidente, alas-7:00 ng umaga sa jewelry store na pag-aari ng biktima malapit sa Pearl Blossom Hotel sa C.M. Recto Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Kabubukas pa lang ng shop ng biktima kasama ang tauhan na si Dante Magnaye, 43, nang sumulpot ang salarin na armado ng isang baril at nagdeklara ng holdap.

Kinuha ng holdaper ang bitbit na bag ni Cay na Louis Vuitton bag na naglalaman ng P1 milyong alahas at P500,000 salapi sabay takas. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.