Abante Tonite Interactive

P1.5M pa-premyo ni Duterte sa PDEA

196

Tatanggap ng premyo ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakapatay sa hinihinalang supplier ng ecstasy sa lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa campaign rally ng PDP-Laban sa Cauayan City, Isabela Miyerkoles nang gabi na ibinalita sa kanya ni PDEA Chief Aaron Aquino na na-neutralize na nila ang hinihinalang distributor ng ecstasy sa inilunsad na anti-drug operation.

Sinabi ng Presidente na P1.5 million ang premyo sa PDEA agents na nakapatay sa suspect na si Steve ‘John’ Pasion.
“Sabi niya (Aquino), “sir namatay na ‘yung no. 1 distributor ng ecs­tasy. Nagbarilan ang pulis ko”. Sabi ko, announce mo. One million five. Kasi mukhang tatlo ata ang napatay. Sabi ko may prize kayo,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ng Presidente na wala siyang patawad pagdating sa iligal na droga at sa natitirang tatlong taon ng kanyang termino ay magiging marahas ito para sa mga sangkot sa illegal drug trade.