Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1.6B imprastraktura sa Cagayan hinagupit

0 164

Umaabot sa P1.6 bilyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura sa Cagayan dahil sa bagyong Ulysses.

Ang pagkasira ng mga imprastraktura ay bunsod na rin ng malalang pagbaha sa naturang probinsya.

Sa kanyang facebook video, sinabi ni Public Works Secretary Mark Villar na tinatayang P1.6 bilyon ang nawasak kung saan ayon sa kalihim, mula sa 26, ngayon ay kalahati pa ang road closure sa Cagayan.

Patuloy pa ang isinasagawang clearing operations sa mga kalsada sa probinsya.

Nagsasagawa rin ang gobyerno ng mga kinakailangang hakbang upang matulungan ang mga mamamayan sa lugar at sinisikap nila ang mabilis na pagkilos upang maibalik sa normal ang buhay sa Cagayan. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.