Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1.6M ecstasy sinamsam sa Clark

0 58

Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark ang P1.6 milyong halaga ng ecstasy tablet.

Nasa 988 piraso ng ecstasy tablet ang nakumpiska sa kargamento na idineklarang air humidifier. Nitong September 1, 2020 nang dumating sa naturang pantalan ang mga kargamento na galing sa Milton Keynes, United Kingdom. Nang dumaan sa masusing pagsusuri, natuklasan na mga iligal na droga ang laman nito.

Isinailalim agad ito sa laboratory testing at chemical analysis ang mga tableta at nakumpirmang positibo ito sa methylenedioxymethamphetamine o ecstasy.

Agad nagpalabas ng warrant of seizure sa mga kargamento at naiturn-over na ito sa PDEA. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.