Abante Tonite Interactive

P1.8M high grade marijuana nasabat sa NAIA

214

Tinatayang umaabot sa P1.8M halaga ng high grade marijuana o kush ang nasabat ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International airport (NAIA).

Sa nakalap na report, ayon na rin sa Bureau of Customs (BOC), idineklarang komiks at child sleeping bag ang nasabing parcel ngunit nang inspeksyunin ng pulisya ay bumulaga sa mga ito ang de-kalibreng marijuana na tumitimbang sa 973 gramo ng high grade marijuana.

Nakapangalan ang nasabing shipment sa isang indibidwal sa Taguig kung saan nagmula sa California, US ang kargamento.

Nang i-claim ang kontrabando ay dito na kinorner ang suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong paglabag sa comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization ­Tariff Act.