Abante Tonite Interactive

P1 dagdag sa pasahe, bagong hirit ng mga tsuper

By
1,818

Dahil sa inaasahang magtatagal pa bago maaprubahan ang kanilang P2 fare hike petition, umapela kahapon ang mga public utility jeepney (PUJ) driver sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na payagan sila na magtaas ng P1 bilang provisional fare increase.

Sa pagdinig kahapon ng fare hike petition ng PUJ ay naghain ito ng revised petition para sa provisional fare hike, iginiit nila na hindi na nila kinakaya ang pagsirit ng presyo ng langis kahit pa man mayroong diskuwento na alok ang ilang mga gasoline company.

Sa panig ng LTFRB, sinabi ni Chair­man Martin Delgra na idadaan nila sa board meeting bago desisyunan ang bagong apela ng mga tsuper.

Nangako naman si Delgra na sa loob ng isang linggo ay kanilang dedesisyunan ang hinihinging provi­sional fare o pansamantalang pagtaas ng pasahe habang nakabinbin pa ang fare hike petition.

Ang kasalukuyang minimum fare ay P8, subalit sa petisyon ng grupo ng tsuper ay nais nila itong itaas sa P10, at karagdagang piso kapag rush hour.