Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1 taas-presyo sa petrolyo

0 56

Inabisuhan ng isang oil company sa bansa ang mga motorista sa dagdag-singil sa gasolina simula bukas, Setyembre 7, hanggang sa susunod na Lunes, Setyembre 13.

Batay sa inilabas na forecast ng Unioil Pe­troleum Philippines ni­tong Sabado, tataas nang P1.00 hanggang P1.10 ang presyo kada litro ng diesel, samantalang P0.40 hanggang P.0.50 naman sa kada litro ng gasolina.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa Department of Energy, talagang tumaas ang singil ng mga oil com­pany sa bansa mula P0.25 hanggang P0.40 kada litro ng gasolina, P0.60 kada litro ng diesel at P0.70 naman kada litro ng kero­sene na siyang naging epektibo noong Agosto 31. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.