Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1 trilyon nalusaw sa ecozone smuggling – Salceda

0 265

Tinatayang P1 trilyon ang nawawalang kita sa gobyerno kada taon dahil sa smuggling na idinadaan sa mga economic zone.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, itutuloy ng House committee on ways and means ang pagdinig kaugnay sa mga ecozone na ginagamit umano sa pagpuslit ng mga produktong petrolyo, agrikultura at sigarilyo.

Nagbanta rin si Salceda na gagawa ng hakbang ang Kongreso upang maalis ang pribilehiyo na ibinibigay ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at iba pang investment promotion agency kung hindi pag-iibayuhin ng mga ito ang pagbabantay.

Paliwanag ni Salceda, batay sa datos noong 2017, umabot sa P504 bilyon ang ibinigay na insentibo ng gobyerno sa mga economic zones. Kapag dinagdag aniya rito ang nawalang kita dahil sa smuggling ay aabot ito sa P695 bilyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung isasama umano rito ang hindi nakolektang excise tax sa produktong petrolyo, sigarilyo at sugar-sweetened beverage aakyat ang nawalang kita sa gobyerno ng P1 trilyon kada taon.

“Ecozones are the country’s trillion-peso blackhole. It’s where a third of government revenues go to disappear. The bleeding has to stop,” ani Salceda.

Umaasa si Salceda na mababawasan ang smuggling sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill na inaprubahan na ng Kongreso at pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para maging batas. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.