Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P10.5B sa P42B COVID supply nakorner ng Pharmally – Lacson

0 227

Nakuha ng Pharmally Pharmaceuticals Corp., ang lagpas sa 1/4 o P10.5 bilyon sa P42 bil­yong kontrata sa Department of Budget Procurement Service (PS-DBM) para sa medical supply sa COVID-19 pandemic, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Base sa dokumento, sinabi ni Lacson na sa 45 mga supplier, nakuha ng Pharmally ang 26.39 porsiyento ng P42 bilyong pondong nilagak ng Department of Health sa PS-DBM.

“Out of 44 other suppliers, Pharmally ang No. 1, and you bagged 26.39% of the P42 billion transferred by DOH to the PS-DBM even with a P625,000 initial capitalization,” sabi ni Lacson kay Pharmally Director Linconn Ong sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate blue ribbon committee.

SM food to go Banner Ad

“We’d like to find out from PS-DBM. Ito ba ang kultura sa PS-DBM, ang bulk more than 26% of contracts napunta sa Pharmally? Or this is unusual? Or this is very special (Is this the culture in PS-DBM to award the bulk of contracts to Pharmally? Is this unusual or is this very special?” dagdag nito.

Kinuwesityon din ni Lacson kung bakit na­kabili ang mga opisyal ng Pharmally ng mga mamamahaling mga kotse matapos makuha ang unang kontrata nito.

Aniya, sa ibang mga negosyante, kung kumita sila sa negosyo, ang gagawin nila’y mamumuhanan pa sa ibang negosyo sa halip na mamili ng mga luxury car. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.