Abante Tonite Interactive

P10 tapyas presyo sa bigas, namumuro sa abolisyon ng NFA

By
222

Umaasa si Senador Sherwin Gatchalian na mababawasan ng P10 ang presyo ng bawat kilo ng commercial rice kapag nabuwag ang National Food Autho­rity (NFA).

“…’pag in-abolish ang NFA, bababa ang kilo ng bigas ng almost 10 pesos dahil we will now allow cheap rice to be imported,” saad ni Gatchalian sa isang ambush interview kahapon.

Ayon sa senador, sinasayang lamang ng NFA ang P7 bilyong budget na ibinibigay sa kanila ng gobyerno, taon-taon.
Ito’y dahil hindi naman ginagampanan ng NFA ang kanilang trabaho na tiyakin ang sapat na suplay ng bigas at mapanatili ang mababang presyo nito.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi ni Gatcha­lian na sa loob ng 30 taong pagkakatatag ng NFA ay dapat na nilang aminin na bigo silang tuparin ang kanilang mandato.

“I think after 30 years of existence ng NFA, it’s really about time to admit na failure itong NFA as a policy and we have to move to different policy which is rice tarrification,” giit ni Gatchalian.

Muling iginiit ng senador ang pag-abolish sa ahensiya at direkta na lamang ibigay sa mga magsasaka ang P7 bilyong pondo nito.

“I think yang pag-aabolish is really about time dahil binigyan na natin sila ng 30 years para gampanan ang trabaho nila. Binigyan natin ng bilyung-bilyon every year P7 billion, in fact…Yung P7 billion pwede ibigay direkta sa farmers para pambili ng fertilizers,” giit ni Gatchalian.

Binigyang-diin ng mambabatas na napapanahon na upang papanagutin ang mga pinuno ng ahensiya.

Pinayuhan naman niya si Agriculture Secretary Manny Piñol na magpatupad pa ng mga reporma upang matiyak ang seguridad sa pagkain ng bansa.

“Definitely hindi pwedeng business as usual, dapat reporma na dahil kung bubuhayin natin uli ang NFA next year at magbibigay uli tayo ng P7 billion next year anong assu­rance natin na magiging maayos ang patakbo,” dagdag ng mambabatas.