P10 trilyon na utang ng `Pinas

Umabot na sa P10 trilyon ang utang ng Pilipinas hanggang katapusan ng Nobyembre 202, ayon sa Bureau of the Treasury nitong Miyerkoles.

Kung paghahatian umano ito ng bawat Pilipino, sanggol man o matanda, ang utang ng bawat isa ay papatak sa P92,972.99 o halos katumbas na ng kalahating taong sahod ng isang minimum wage worker sa Metro Manila.
Kung hindi umano lumakas ang piso laban sa dolyar posibleng naging mas malaki pa ang utang. Lumakas kasi ang piso sa P48.085 laban sa dolyar noong Nobyembre mula sa P148.396 noong Oktubre kaya gumaan ang kuwenta ng foreign debt nang i-convert ito sa piso. (Eileen Mencias)