Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P100 pamasahe! Abusadong tsuper lagot kay Isko

0 430

Binalaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang lahat ng pedicab, e-trike at tricycle driver na huwag samantalahin ang COVID-19 pandemic para maningil nang sobra sa mga pasahero.

“Huwag natin gipitin ang pasahero natin kung ayaw ninyong masalikwat ang sasakyan ninyo,” babala ni Moreno. May sumisingil umanong driver ng P80 hanggang P100 sa pasahero gayong P20 lamang ang pasahe.

Sinabi ni Moreno, pinayagan niya ang may 19,000 tri-wheel public transport driver na mamasada sa lungsod sakabila ng modified enhanced community quarantine upang magkaron ng hanapbuhay. Dapat umanong ituring ito na swerte dahil ang mga jeepney driver ay ‘di pa nakakabalik sa kanilang trabaho.

Leave A Reply

Your email address will not be published.