Abante Tonite Interactive

P100,000 pabuya vs killer ng pulis sa Cainta

By
2,034

Naglaan ng P100,000 pabuya ang lokal na pamahalaan ng Cainta, Rizal para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa bumaril at nakapatay sa isang deputy police chief ng Cainta, Rizal.

Nabatid na nabaril sa ulo ang biktimang si Senior Inspector Jimmy Senosin, 41-anyos, at idineklarang dead on arrival sa pagamutan matapos makasagupa ng mga pulis ang isa umanong kilabot na drug pusher sa Brgy. Floodway noong Linggo ng gabi.

Sa ulat na nakarating sa Rizal Police Provincial Office, bandang alas-alas-siyete ng gabi nang rumesponde si Senosin kasama ang ilang pulis sa Block 3, Lakas Bisig sa Brgy. Floodway matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa suspek na si alyas Ruben Gomez.

Pagdating nila sa lugar ay nakita ang suspek na bumunot agad ng baril sabay takbo sa isang madilim na lugar kasama ang isa pang lalaki. Kasunod nito ay nagkaputukan na hanggang sa nasapul si Senosin sa ulo.