Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P100K areglo sa erpat, rapist ng anak lusot

0 165

DAHIL sa kahirapan sa buhay, napilitang tanggapin ng isang tatay ang P100,000 na alok ng dalawang menor-de-edad na lalaki na gumahasa sa kanyang 14-anyos na dalagita sa San Carlos City noong Biyernes.

Sa report ng San Carlos City Police Station (SCPS), ayon na rin sa ama ng biktimang si Mary (hindi tunay na pangalan), kahit masama ang kanyang loob, tinanggap niya ang perang pinang-areglo ng mga kaanak ng dalawang suspek na kapwa menor-de-edad din na kaibigan ng biktima.

Ang pera ang nagsibling bayad ng mga suspek para hindi na ituloy ang kasong rape laban sa dalawang binata.

Sa police report ng SCPS, niyaya ng dalawang suspek si Mary upang dumalo sa isang birthday party.

Imbes na pumunta sa okasyon, dinala ang biktima sa bahay ng isa sa mga suspek kung saan ginahasa ang dalagita.

Dahil sa areglong P100,000, pinakawalan ng pulisya ang dalawang suspek. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.