Abante Tonite Interactive

P100K reward sa killer ng magtiyahin

By
0 163

Naglaan ng P100,000 pabuya ang pamahalaang lokal ng Plaridel, Bulacan sa sinumang testigo na makapagtuturo sa pagkakakilanlan at ikadarakip ng suspek sa brutal na pagpaslang sa magtiyahin sa nasabing bayan.

Isinasagawa na ng Bulacan Police ang mga hakbang para makilala ang brutal na sumaksak sa 64-anyos na si Sylvia Castillo at sa 14-anyos nitong pamangking babae sa bahay ng mga ito sa Brgy. Tabang kamakalawa ng madaling-araw.

Nakaligtas naman sa insidente ang isa pang pamangkin ni Castillo. Nagpapagaling na ang 7-taong gulang na lalaki na nagtamo ng walong saksak sa katawan.

Inaasahan ng awtoridad na makatutulong ang pabuyang ito para mabilis na malutas ang kaso.

Blangko pa umano ang pulisya sa motibo ng suspek dahil wala naman umanong nawalang gamit sa bahay ng mga biktima.