Abante Tonite Interactive

P100K shabu nasabat sa Zamboanga, tulak arestado

460

Mahigit P100,000 halaga ng shabu ang nasamsam at nasakote rin ang tulak nito matapos kumagat sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Zamboanga del Norte noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Major Helen Galvez, information officer ng Police Regional Office 9, ang suspek na si Albert Andog, 23, na nasakote dakong alas-11:40 ng umaga sa Brgy. Kauswagan, Baliguian, Zamboanga del Norte.

Ayon kay Chavez, nahulihan ang suspek ng P102,000 halaga ng shabu na nakalagay sa limang malalaking heat-sealed plastic sachet at narekober din sa kanya ang P500 marked money.

Ikinulong si Andog sa Zamboanga del Norte Provincial Drugs Enforcement Unit habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. (PNA)

Tonite – Wendys Inhouse Ad