Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P100K sinalisi sa sakay ng trike

0 33

Arestado ang isang criminology dropout matapos hablutin ang cellphone at wallet na naglalaman ng mahigit P100,000 ng isang babaeng pasahero ng tricycle, kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni P/ Lt. Rowell Robles ng Manila Police District-Police Station 1 ang suspek na si JV Jimenez, na natunton ng mga pulis matapos masundan ng CCTV ang mga dinaanan nito.

Nabatid kay Robles na idideposito sana ng biktima sa bangko ang dalang cash.

Nabawi mula sa suspek ang cellphone ng biktima na hindi na pinangalanan pero sira na ito habang hindi na narekober ang pera.

Depensa ng suspek, nagawa lamang niya ang mang-snatch dahil nagipit lamang siya at kinailangan ng panggastos.

Sinampahan ng kasong robbery (snatching) si Jimenez sa Manila Prosecutor’s Office. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.