Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P100M sa DA budget amoy korapsiyon – Villar

0 141

Hindi napigilang magmura ni Senador Cynthia Villar sa pagdinig hinggil sa panukalang 2022 budget ng National Tobacco Administration (NTA), isang attached agency ng Department of Agriculture (DA).

Sa pagdinig ng Senado, narinig si Villar na nagmura matapos makita ang panukalang alokasyon para sa probisyon na “production technical marketing assistance” na aniya’y “prone” sa korapsiyon.

“Ang sabi dito, provision of production technical marketing assistance. P*tangina, puro nakaw ‘to,” sambit ni Villar bagay na pinabulaan naman ng mga opisyal ng NTA.

SM food to go Banner Ad

“Tigilan niyo na `ko sa mga technical assistance na ‘yan, alam naman natin na drama lang `yan ng taon. Naku naman. Diyos ko. Terible,” dagdag pa ng naiinis na senadora.

Iminungkahi naman ni Villar na ang panukalang P100 milyong alokasyon para sa technical assistance ay gamitin na lang bilang emergency assistance sa mga magsasaka ng tabako.

“Mag-emergency cash assistance na lang kayo para malinaw. Kasi itong technical marketing assistance, naku po…lumilipad ‘to sa hangin e,” ani Villar.

Sinang-ayunan ng NTA ang mungkahi ni Villar. Tiniyak din ni DA Undersecretary Ariel Cayanan na aabisuhan nila ang NTA administrator para baguhin ang panukalang budget na P505 milyon para sa 2022.(Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.