Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P102K shabu, nadukot sa brief ng tulak

0 245

Arestado ang 26-anyos na lalaki nang madukot ng mga awtoridad ang shabu na nagkakahalaga ng P102, 000 sa loob ng suot nitong brief sa isinagawang anti-criminality operation sa Brgy. Unang Sigaw, Quezon City, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen Danilo Macerin, ang suspek na si Jeffrey Acido, 26, residente ng Ilalim ng Tulay, Brgy. Unang Sigaw, Quezon City.

Ayon kay QCPD Talipapa Police Station 3 (PS-3) PLt. Col. Cristine Tabdi, dakong alas-11:30 ng gabi (March 30) nang maaresto ang suspek sa naturang lugar.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagsasagawa umano ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng PS-3 sa Ilalim ng Tulay, sa Brgy. Unang Sigaw, nang matiyempuhan ang suspek na may hawak na shabu.

Agad na inaresto ng mga pulis ang suspek at nang kapkapan ay nakumpiskahan pa ng may 23 sachet ng shabu na nagkakahalagang P102,000 sa loob ng kanyang brief.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.