Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P108M bonus ni Brady

0 60

Bongga ang selebrasyon ni Tom Brady sa kanyang pampitong Super Bowl win.

Ipinagdiwang ng Tampa Bay Buccaneers ang kanialng panalo sa Super Bowl LV sa pamamagitan ng boat parade malapit sa Riverwal area sa downtown Tampa nitong Huwebes.

Nasunod ang social distancing.

Nagsimula ang parada ala-una nang hapon, namutiktik ng Bucs gear mula sa libo-libong fans na luminya sa ilog para i-cheer ang NFL champions.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dumating si Brady sakay ng kanyang $2M super boat, nakunan pa ang quarterback habang iniitsa-itsa ang Lombardy Trophy mula sa likod ng kanyang boat na pinangalanang Viva a Vida.

Sa isang eksena, inihagis ni Brady ang Lombardy na tulad ng kanyang touchdown passess. Tagumpay naman itong nasalo ni tight end Rob Gronkowski, tulad pa rin sa Super Bowl.

Ayon sa reports, tumanggap siya ng $500,000 bonus sa Super Bowl win, $500,000 pa dahil umabot sa playoffs, $250,000 sa panalo sa playoff game, $500,000 sa pagtuntong sa NFC Championship, at $500,000 sa panalo sa conference title game. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.