Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P10B ayuda hinabol ng Senado sa 2021 budget

0 110

Naglaan ang Senado ng P10 bilyong alokasyon sa Social Amelioration Program (SAP) o mas kilala sa tawag na “ayuda” sa panukalang P4.5 trilyong national budget para sa 2021.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance, nakalagay ang nasabing ayuda sa regular budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa susunod na taon.

Sa pagdinig sa Senado noong Setyembre, sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na walang alokasyon para sa SAP sa ilalim ng 2021 national budget dahil ito’y bahagi ng National Expenditure Program.

Subalit naglaan ang Kamara ng P2 bilyon sa kanilang bersyon ng budget habang ginawa naman itong P10 bilyon ng Senado.

Sisimulan ang bicameral conference committee sa Sabado at kung maagang matatapos, inaasahang lalagdaan at aaprubahan ang report nito sa sa Disyembre 9.

Posibleng isumite ang enrolled budget sa Malacanang sa Disyembre 15 para sa lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.