Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P10B COVID subsidy ihihirit sa Bayanihan 2

0 254

Hihirit ang Malacañang sa Kongreso ng P 10 billion para magamit bilang subsidiya sa COVID testing sa harap ng patuloy na paglaban ng gobyerno sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakapaloob sa kanilang mungkahing Bayanihan 2 sa Kongreso ang paglalaan ng pondo para sa testing, tracing at isolation ng COVID-19.

Batid aniya ng Palasyo na mahal ang testing na nasa minimum na P3,000, subalit mura na ito kaysa magpagamot kapag nakapitan ng coronavirus na aabot ng hanggang P800,000.

Your email address will not be published.