Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P10B kubeta, kalsada ng Kamara butata – Drilon

0 219

Inihayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hinarang nila sa bicameral conference ng Bayanihan 2 ang tangkang pag-allocate ng Kamara ng P10 bilyon para sa dagdag na kubeta at mga kalsada.

“Ito ang mahabang diskusyon na nangyari dahil ang ibig ng mga kongresista ay ilagay ito sa pagpapatayo ng kubeta at kalsada,” pahayag ni Drilon sa panayam sa radyo.

SM food to go Banner Ad

“Ang Senado naman ay ipinaglaban natin ‘yung position ng DOT na ito ay tulong sa pamamagitan ng soft loans para doon sa mga maliliit na kumpanya na nagsara o nahirapan sa COVID-19 pandemic,” dagdag nito.

Ayon kay Drilon, hindi kailangan ang kubeta at kalsada sa panahon ng pandemya bagkus bigyan ng tulong ang mga nawalan ng trabaho at mga manggagawa ng industriya ng turismo na naapektukhan ng COVID-19 pandemic. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.