Abante Tonite Interactive

P10K budget kada buwan pang-taong grasa – Ping

3,057

Hindi kumbinsido ang ilang senador sa pahayag ng isang opisyal ng National Economic Development Authority (NEDA) na kasya ang P10,000 budget para mabuhay nang maayos ang isang pamilya na may limang miyembro.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, kakasya ang naturang pondo kung isang beses na lamang sila kakain at ititigil ang lahat ng ginagawa na may gastos tulad ng pagligo, pagsisipilyo at paglalaba tulad ng ginagawa ng mga taong grasa.

“Actually, we can, only if my family will eat only once a day, won’t brush our teeth nor take a bath, walk ­everyday to and from our place of work but avoid perspi­ring so we won’t wash our clothes,” saad ni Lacson.

Abante Hiring – IT dep

Samantala, hinamon ni Senador Ralph Recto ang mga opisyal ng NEDA na ibaba sa P10,000 kada buwan ang kanilang sahod at subukan itong pagkasyahin sa mga gastusin ng kanilang pamilya.