Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P10M Chinese yosi, baril sinamsam sa Makati

0 188

Kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P10 milyong halaga ng mga smuggled Chinese cigarette at hindi lisensyadong baril sa ginawang raid sa isang storage establishment sa Makati City.

Sinalakay ng mga operatiba, kabilang ang National Bureau of Investigation, ang establisimyento noong Martes. Nakuha rin ng mga awtoridad sa lugar ang face mask, alak, mga test kit para sa coronavirus disease at Chinese medicine na Linhua Qingwen Jiaonang na hinihinalang binebenta sa publiko.

Makikipag-ugnayan umano ang BOC sa Food and Drugs Administration hinggil sa mga nakumpiskang gamot para matukoy kung may approval ito mula sa ahensya. Habang kukuha ng detalye sa kapulisan para sa mga nakuhang baril.

Leave A Reply

Your email address will not be published.