Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P10M shabu nasamsam sa magdyowa

0 189

Nasa P10.2 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa magdyowa makaraang maaresto sa ikinasang buy bust operation, Huwebes ng gabi sa Valenzuela City.

Kinilala ni PLt. Robin Santos, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police, ang nadakip na sina Ernesto Francisco, 49, at Genelyn Mararac, 33, kapwa taga-Barangay Ugong.

Nahaharap ang mga ito sa Violation of Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 kung saan walang piyansang inilagak para sa kanilang pansamantalang paglaya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Lt. Santos, may ilang buwan din nilang trinabaho ang dalawang tulak at nasa wathlist nila ito.

Sa operation ng SDEU, isa sa kanila ang nagpanggap na poseur buyer.

Matapos ang transaksiyon, nagulantang na lang sina Francisco at Mararac nang magsulputan at palibutan sila ng mga pulis.

Nasamsam sa dalawa ang 1,500 gramo ng shabu na may market value na P10.2 milyon, digital weighing scale, 3 wristwatches, 3 cellphone, isang pares ng hikaw at 2 pirasong necklace. (Orlan Linde/Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.