Abante Tonite Interactive

P110M kinita ng Hollywood movie ni Kris

1,455
tonite-imo-vinia-vivarSa kanyang recent post, inamin ni Kris Aquino na sobrang na-stress siya nang malamang kumita ng $35.5M in 5 days ang Crazy Rich Asians sa US dahil natatakot siyang baka hindi ito kumita sa Pilipinas at gawin siyang laughing stock.
Sa sobrang pagka-stress niya ay tumaas pa ang kanyang blood pressure.
“My soul baring truths: 1. When @crazyrichasians became the #1movie in the 🇺🇸, that Monday night (August 20) after reading it earned $35.5M in the 5 days since Aug 15, i was so stressed & anxious that my BP was at hypertensive crisis level. There was FEAR that if it did poorly here, i’d be the logical punching bag & laughingstock.
“2. I firmly decided to shut up about @crazyrichasians… as previously stated, the movie shouldn’t become a referendum on the moviegoers’ feelings about me and/or my family. It wouldn’t be right to see what was so instrumental in helping me regain MY SELF WORTH suffer because of association w/ me. PRAYERS & SILENCE were my best options,” ang bahagi ng post ni Kris.
Pero nang ipalabas nga ito sa ‘Pinas ay nagsimula na siyang makatanggap ng magagandang komento and reviews.
“3. Then like a dream friends started sen­ding me pictures & videos of all seats taken cinemas, i read in messages the spontaneous cheers when Princess Intan walked in.”
Sa nasabing post ay ibinahagi rin ni Kris ang naging box-office gross ng CRA dito sa ‘Pinas.
“4. i reached out to Ms. Sionee Lagman, the marketing director of @wbpictures 🇵 on Saturday to ask how the movie was doing?
“5. i received this at 2:44 PM Monday: Sharing with you CRA’s 🇵 record breaking­ opening weekend box-office results as pro­mised: CRA Op We box-office – P82.7M: Biggest Op We for a WB FIlm for 2018; Biggest All Time Op We for a Foreign/English RomCom. Congratulations. She updated me just now- 7 day total is ₱110M,” pahayag pa ni Kris.
Kaya naman sobra ang pasasalamat ng Queen of All Media dahil nga kahit cameo appearance lang siya sa movie, at least ay naging phenomenal success naman daw ito.
“6. Just THANK YOU, not because of illusions about my contribution-but because my cameo appearance in a historically significant, phenomenally successful #1 Hollywood movie championing INCLUSIVITY for all Asians elevated Filipinos- 1 of us was chosen to be the only ROYAL in the fantasy world of CRAZY RICH ASIANS.
“7. After portraying an orphaned girl pushing a “kariton” in her 1st movie 28 years ago, capping that roller coaster ride of hits & misses to portray a Princess resplendent in her real life family’s & democracy’s symbolic yellow- this girl was given her version of not just THE END but the magical HAPPILY EVER AFTER.
“8. To all the Rachels, never allow the Eleanors to bully you. BE BRAVE because of your intelligence, personal achievements & your courage to LOVE,” ang pagtatapos ng post ni Kris.
***

Darren may diabetes

First acting project ni Darren Espanto ang The Hows of Us kasama sina Da­niel Padilla and Kathryn Bernardo kaya naman sobrang excited ng ba­gets pati na rin ang lahat ng kanyang DARRENatics fans all over the world.
Would you believe, sa opening day ng pelikula last Wednesday ay may tatlo agad silang block screening at marami pang kasunod.
Naimbita kami sa block screening na ginanap sa SM Megamall last Wednesday sponsored by Darrenatics Team Baliwags headed by Reena Essa Busan and Darrena­tics Team 2 headed by Realin Ladia. At nakakatuwa naman si Darren dahil dumalo siya sa event kahit na nga sandali lang dahil pupuntahan pa niya ang 2 pang scheduled block screening ng fans niya nang araw na ‘yun.
In fairness, ang ganda naman pala ng role ni Darren bilang isang nakababatang kapatid ni George (Kathryn Bernardo) na may sakit na diabetes na pangarap makita ang kanilang ama kaya nagpunta sila sa Ams­terdam.
Kuwento nga ni Darren sa presscon ng movie last week, sobrang thankful siya kay direk Cathy Garcia-Molina at sa KathNiel dahil naitawid niya ang kanyang first acting job kahit wala siyang experience sa pag-arte.
“I’m glad that I got to work with them and that they helped me throughout the whole thing, binigyan po nila ako ng madaming tips. Kasi siyempre, unang day ko po, hindi ko alam ang gagawin. I didn’t go thtough any acting workshops,” sabi ni Darren.
And in fairness naman, for a first timer, pasado sa amin ang acting ng young singer. At ang pinakamaganda pa, blockbuster agad ang first movie niya. Sa opening day pa lang last Wednesday, ayon sa Star Cinema ay breaking the record ang gross na umabot daw sa P35M at sinasabing ito na nga raw ang highest ope­ning-day gross ng KathNiel movie.