Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P110M puslit na yosi nasabat

0 54

Nasa P110M halaga ng smuggled na sigarilyo ang dinispatsa ng Bureau of Customs sa isang warehouse sa Baliwasan, Zamboanga City nitong Huwebes.

Nasabat ang mga kontrabando sa magkakahiwalay na anti-smuggling operations sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi, mula Disyembre 2021 hanggang Marso ng taong ito.

Aabot sa 3,110 master cases at 1,372 na ream ng sigarilyo ang narekober.

Nilublob sa tubig ang mga nakumpiska, at saka pinagulungan sa payloader, bago itinapon sa isang sanitary landfill sa Bgry. Salaan.

Kasama naman sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at iba pang ahensiya. (Damien Horatio Catada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.