Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P116B ng PhilHealth hugutin para sa indemnification fund – Recto

0 41

Sapat umano ang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kaya’t hindi na dapat bigyan ng dagdag P500 milyon na indemnification fund na pambayad sa sinumang makakaranas ng side effect ng COVID-19 vaccine.

Sa plenary debate sa Senate Bill No. (SBN) 2057 o An Act Expediting the Procurement and Administration of Vaccines for the Protection Against the Coronavirus Disease 2019 (Covid-19), tinutulan ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang probisyon na bigyan ang PhilHealth ng dagdag P500 milyon para sa indemnification fund.

Ayon kay Recto, may reserve fund umano ang PhilHealth an P116 bilyon nitong Setyembre 2020 at ang net income nito ay P5.3 bilyon ng taong ding iyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Why should we give them an additional ₱500 million? That’s the purpose of the reserve fund to begin with, for problems of this nature. There’s no need to give them 500 million,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.