Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P11B mawawala `pag tinapyasan taripa ng baboy

0 190

Tinatayang aabot sa P11 bilyon ang mawawalang kita umano ng gobyerno kung tatapyasan ng 5% mula sa 30% ang taripa sa mga imported na karne ng baboy.

“Ang estima namin mga 11 billion pesos eh,” pahayag ni Senador Francis Pangilinan nang tanungin ng mga reporter kung magkano ang mawawalang kita ng gobyerno kapag tuluyang binawasan ang taripa bilang tugon sa African Swine Fever (ASF) na nagpapababa sa suplay ng baboy at nagpataas sa presyo nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi pa ni Pangilinan, nangangahulugan din ito na ang pinanggagalingan ng suportang pinansiyal para sa mga magbababoy sa bansa ay mababawasan din.

“Mawawala din `yong suporta sa magbababoy kung ibababa ang taripa. Eh talagang mayroong malaki, tiba-tiba, ang kumikita rito. Binaba na ang taripa, tinaas pa `yong volume nung pwedeng i-import,” sabi pa ni Pangilinan. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.