Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P11B shabu sinurender ng NBI sa PDEA

0 49

Aabot sa may P11B iligal na shabu ang itinurn -over ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay NBI OIC-Director Eric Distor, ito ay bilang pagsunod sa kautusan ng Regional Trial Court sa ilalim ng Fourth Judicial Region of Infanta, Quezon.

Nabatid sa NBI na sa pamamagitan ng Forensic Chemistry Division (FCD) nai- turn over ang kabuuang 1,855.0 kilograms nitong Abril 11 at 26.

SM food to go Banner Ad

Ang naturang bulto ng shabu ay nakumpiska noong Marso 15, 2022 sa Barangay Comon, Infanta, Quezon na nagresulta ng pagkaaresto sa may 10 katao na kinasuhan na ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Infanta Peosecutors Office.

Ito na umano ang pinakamalaking huli ng shabu sa kasaysayan ng mga operasyon kontra iligal na droga.

Tiniyak naman ni Distor na tuloy tuloy pa rin ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.