Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P12 bawas singil sa kuryente binida

0 72

Bababa ang singil sa kuryente sa franchise area ng Meralco ngayong buwan ng Setyembre ng 6.23 sentimo per kilowatt hour na ang katumbas ay P12 na bawas sa buwanang bayarin ng mga tahanang kumokonsumo ng 200 kWh sa isang buwan.

Ayon sa Meralco, ang singil na P8.4388 per kWh sa kuryente ngayong Setyembre ay ang pinakamababa sa loob ng tatlong taon.

Bababa rin umano ang bayarin sa kuryente ngayong buwan dahil bumaba ang generation at transmission charge at suspindido pa rin ang paniningil ng universal charge at environmental charge. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.