Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P120K tsongki lumutang sa dagat

0 54

NASA mahigit kumulang P120,000 halaga pinaghihinalaang dried marijuana leaves ang nakita ng mga mangingisda na palutang-lutang sa dagat sa gitna ng Buguey at Aparri sa lalawigan ng Cagayan kamakalaya.

Ayon sa Cagayan Police Provincial Office (CPPO), bago ang insidente, nangingisda sa baybayin sina alyas Peter, 36; alyas Jojo, 43; at alyas Dante, 39, nang mamataan nila ang isang plastic na lumulutang sa dagat.

Sinabi ng pulisya, kinuha nila ito at nang nakabalik na sila sa pangpang ay dinala nila sa bahay ng isang Baniel at doon ay binuksan nila ng bahagya at inamoy. Doon na nila nadiskubreng tsongki

ang laman nito.

Agad nilang dinala sa kanilang barangay chairman na si Erwin Lobas ang kontrabando at ini-report naman sa Aparri Police Station (APS).

Ang nakitang transparent plastic bag na naglalaman ng dahon ng marijuana ay nasa humigit-kumulang 1.008 kilo na may standard drug price na P120,000.

Matatandaan na nitong nakaraang buwan, mayroon din lumutang na kilo-kilong shabu sa naturang karagatan na nagkakahalaga ng P15 milyon. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.