Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P120M kontrabando winasak sa Porac

0 75

Umaabot sa may P120 milyong halaga ng mga nasamsam na smuggled at pekeng sigarilyo ang tuluyang winasak ng Manila International Container Port (MICP) sa kanilang condemnation facility sa Porac, Pampanga.

Bahagi ng P219.6 milyong halaga ang dinurog na pekeng yosi na nakumpiska nitong taong 2020 ng MICP.

Nabatid na ang mga kontrabando ay nasa apat na 40-foot container kabilang ang mga pekeng sigarilyo.

Sinira ang nasabing smuggled items dahil na rin sa paglabag sa Section 117 na may kaugnayan sa Section 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) gayundin sa paglabag sa panuntunan at regulasyon na ipinapatupad ng National Tobacco Administration (NTA) at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon sa MICP, pinakamalaki sa kasalukuyan ang nasabat nilang 6,249 master case ng mga “undeclared” na sigarilyo noong Hulyo 24, 2020 na tinatayang nagkakahalagang P86.9 milyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.