Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P122M droga ng sindikato natisod

0 82

Arestado ang isang lalaking pinaniniwalaang miyembro ng sindikato sa iligal na droga matapos makumpiskahan ng 18 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P122,400,000.00, Martes sa Las Pinas City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Las Pinas City Prosecutor’s Office ang suspek na si Moses Joshua Esguerra, may-asawa, ng Barangay Talon Dos, Las Pinas.

Ayon kay Southern Police District director P/Brig. General Jimili Macaraeg, inilatag ang buy bust laban sa suspek sa Block 8 Lot 1, PNB Homes, BF Resort, Brgy. Talon Dos, Las Piñas City, ng alas-3:00 ng hapon.

Bukod sa 18 kilos ng shabu, nakumpiska rin kay Esguerra ang driver’s license nito, boodle money at isang genuine na P1,000 bill

Iniimbestigahan na ng pulisya ang posibleng koneksyon ng suspek sa mga sindikato sa iligal na droga. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.