Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P124M frozen chicken, duck, pork galing China nasabat

0 116

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BO) ang nasa P124 milyong kabuuang halaga ng mga agricultural product na tinangkang ipuslit sa bansa galing China kamakalawa.

Sa ulat ng BOC, nakapangalan sa Daniry Consumer Goods Trading at Jeroce Consumer Goods Trading ang mga shipment.

“Both shipments were found to contain frozen poultry products, which were not in the original declaration,” ayon kay BOC Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro.

Nabatid na dineklara ng Daniry ang shipment bilang hotpot balls o sopas na naglalaman ng mga sea food at pork meat habang steamed buns naman ang deklara ng Jeroce sa kanilang kontrabando.

Nasabat umano ang mga misdeclared agricultural product matapos na makatanggap ng impormasyon ang BOC.

Nalaman sa pagsisiyasat sa mga produkto na naglalaman pala ang mga ito ng frozen whole duck, frozen chicken thigh, frozen duck upper leg at pork products mula sa China.

Nag-isyu ng warrant of seizure and detention order ang Manila International Container Port at magsasampa rin ng kasong smuggling dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.