Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P124M puslit na bigas, yosi nasamsam sa Bataan

0 77

Tinatayang aabot sa humigit kumulang P124 milyon halaga ng smuggled na bigas at sigarilyo ang nasakote ng Bureau of Customs (BOC) sa isang private port sa Brgy. Sta. Elena, Orion, Bataan nitong Huwebes ng tanghali.

Ayon kay BOC Port of Limay District Collector Atty. William Balayo, nasa estimated 20,000 sako ng Vietnam rice na nagkakahalaga ng P50 milyon at P74 milyon ng puslit na sigarilyo ang nasabat.

Nasakote ang 50 katao na nasa aktong nagdidiskarga ng mga ito, na mahaharap sa kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariffs Act o ang pagpasok o smuggle ng mga produkto nang hindi nagbabayad ng karampatang buwis sa gobyerno.

Samantala, ayon sa ilang nadakip, nanggaling pa umano sila sa iba’t ibang lalawigan at na-recruit para makasampa sa naturang cargo vessel bilang bahagi ng kanilang on the job training at nagbayad pa ng P35,000 kada ulo. (Randy Datu)

Leave A Reply

Your email address will not be published.