Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P12K sa motor shop kinana

0 116

ARESTADO ang dalawang lalaki na naaktuhang bitbit ang P12,000 halaga ng kanilang kinulimbat sa isang auto shop sa Gen Trias City, Cavite Linggo ng gabi.

Nakakulong ngayon sa Gen Trias City Custodial Center sina Rivera Coscamiano, 25 at Christopher Pretencio, 23, kapwa taga-Brgy San Francisco, Gen Trias City dahil sa reklamo ni Eusebio Roman Jr., 48, ng Carmel Clemenson Auto shop sa Brgy. San Francisco, Gen Trias City, Cavite.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni Corporal Jhocel Dayumat, ng Gen Trias City Police, ika-8:55 ng gabi nang pinasok nina Coscamiano at Pretencio ang auto shop at tinangay ang isang disc ng front disc brake at chain block na nagkakahalagang P12,000.

Tiyempong bumalik sa shop si Roman at naabutan niya ang dalawa habang tangay ang ninakaw kaya nagpasaklolo sa barangay na ikinaaresto ng mga ito. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.