Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P136M shabu nasabat sa tinedyer, kasabwat na bebot

0 119

DALAWA ang arestado kabilang ang menor de edad at babae sa buy bust operation kung saan aabot sa P136 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga pulis sa Cavite.

Kinilala ang naaresto na si Michelle Bardelosa, 18, at ang di na pinangalangang 16-anyos.

Sa report, nasabat ng PDEA IIS kasama ang PDEA SEE, PDEA 4A Cavite Provincial Office ang aabot sa 20 kilo ng hinihinalang shabu.

Bumili ang asset ng isang kilo ng shabu na nagkakahalagang P6.8 million.

Nang maaresto ay hindi na ito nakapalag at nakuha rin sa kanila ang dagdag na 19 kilos ng shabu. Nagkakahalaga ito ng P129 million.

Patuloy ang imbestigasyon kung may kasabwat pa ang mga ito at kung saan nakuha ang droga. (Kiko Cueto/Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.