Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P13M cocaine shipment nasabat, 1 timbog

0 70

Nasabat ng pinagsamang controlled delivery operation ng Bureau of Customs NAIA, BOC Quick Response Team, Philippine Drug Enforcement Agency Region III at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang mahigit sa P13 milyong halaga ng shabu at naaresto ang consignee ng iligal na droga kahapon sa Sta Maria, Bulacan.

Kinilala ang naarestong suspek na si Jayson Quiloy, 38, na siyang nag-claim ng aabot sa 2,003 gramo o higit 2-kilo ng pinaniniwalaang shabu sa dalawang hotpot grills.

Ang nasabing package ay idineklara bilang kitchen appliances na steamboat grill, na dumating noong Pebrero 16 sa NAIA mula sa Glus Sdn Bhd.(MBE Sri Gombak), Malaysia.

Nadiskubre na iligal na droga ang laman ng nasabing shipment sa isinagawang x-ray inspection.

Sa lumabas na physical examination, naglalaman ang nasabing package ng mga puting crystalline substance sa loob ng hotpot grill at sa isinagawang anlysis ng PDEA Chemical laboratory, nakumpirma itong shabu.

Nakakulong ngayon ang suspek sa PDEA main office. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.