Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P13M marijuana nasabat sa Pampanga

0 381

Isang puting utility van na may kargang P13 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat ng pulisya sa south gate ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) sa loob ng Clarkfield na sakop ng Mabalacat City, Pampanga kahapon.

Ayon kay PRO3 director Brig. Gen. Rhodel Sermonia, tumangging sumailalim sa isang inspection routine ang driver ng nasabing van sa southgate ng Clark Freeport Zone na binabantayan ng Public Security Department (PSD) ng Clark Development Corporation (CDC).

Bunga nito, agad tumawag ng assistance sa Mabalacat City police station ang mga tauhan ng PSD, hinarang sa SCTEX ang van at lumantad ang 107 bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Agad inaresto ang driver ng van at kasamahang sina Morgano Manalastas at Ronald Miranda.

Sinabi ni Semonia ang mga nakumpiskang bloke ng marijuana ay galling pa sa Cagayan Valley at dadalhin sana sa Metro Manila. (Rudy Abular)

Leave A Reply

Your email address will not be published.